Kapag Sinabi Kong Mahal Kita

I long to still experience this with a man ..... but I agree that love is as simple as someone makes you happy


Kapag Sinabi Kong Mahal Kita

BY JUAN MIGUEL SEVERO


Kapag sinabi kong “Mahal Kita,”
Ang ibig kong sabihin,
“Salamat at nandyan ka.”
Kapag sinabi kong “Mahal Kita,”
Ang ibig kong sabihin,
“Hinahanap hanap pa rin kita.”
Kapag sinabi kong “Mahal Kita,”
Ang ibig kong sabihin,
“Napapagod din ako.”
Nanginginig ang aking mga kalamnan,
Nanlalambot ang aking mga tuhod,
Nangangawit ang aking mga braso.
Dahil kapag sinabi kong “Mahal Kita,”
Ang ibig kong sabihin,
“Pagpapaguran ko ito.”
“Hihintayin kita.”
“Susundan.”
“Susuyuin.”
Dahil ang aking “Mahal Kita,”
Ay hindi nagtatapos sa “Mahal lang Kita.”
Ang aking “Mahal Kita,”
Ay mayroong pagtanggap na ito..
Ito ang hirap na kalakip ng pag-ibig,
Yakapin mo.
Kapag sinabi kong “Mahal Kita,”
Ang ibig kong sabihin,
“Malupit ang mundo
At mamahalin ko ang lahat ng kakampi mo.”
Kaya’t hayaan mong dumating ang mga bagyo,
Hayaan mong malusaw ako sa araw,
Hayaan mong kumbinsihin kita na kakampi rin ako.
Ikaw, na hantungang inaasam,
Ikaw, na kwentong hindi pagsasawaan,
Ikaw ang sandali na parating inaalala,
Ikaw ang kailangan kong paghinga..
Ikaw ang paghinga.
Kapag sinabi kong “Mahal Kita,”
Ang ibig kong sabihin,
“Masaya ako.”
Dahil Mahal, gaano man kahaba ang araw
Uuwi ako sa ‘yo.

Comments